Ibinahagi ni Governor Jose Riano na handa na ang mga hakbang para sa seguridad ng darating na Provincial Athletic Meet 2025, na magsisimula sa Sabado, Pebrero 1, sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Nakipag-ugnayan na ang pamahalaang panlalawigan sa Police Provincial Office, sa pangunguna ni Col. Sawi, upang masiguro ang maayos at ligtas na daloy ng kompetisyon. Kasama rin sa magbibigay ng seguridad ang Municipal Police Station at Provincial Mobile Force Company.
Ayon kay Gov. Riano, mahalaga ang seguridad hindi lamang para sa kapakanan ng mga kalahok at manonood, kundi pati na rin sa maayos na pagpili ng mga manlalaro na kakatawan sa lalawigan ng Romblon sa darating na MIMAROPA Athletic Meet 2025, na gaganapin sa Puerto Princesa City, Palawan.
Maliban sa mga pulis, aantabay din sa buong palaro ang mga personnel ng Bureau of Fire Protection, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang mga Doctors and Nurses ng Provincial Health Office.
Dagdag pa umano dito ang mga augmentation mula naman sa lokal na pamahalaan ng Odiongan.
Discussion about this post