Tiklo ang isang lalaki sa Odiongan, Romblon matapos itong mabilhan di umano ng mga operatiba ng pulisya ng isang walang serial number na revolver noong January 4.
Ang suspek kinilalang si Tomas Cruz Jr., residente ng Barangay Amatong.
Ang operasyon ay ikinasa sa pangunguna ng Odiongan Municipal Police Station sa pakikipagtulungan ng RID MIMAROPA, Romblon CIT, Romblon Provincial Intelligence Unit at ng Romblon Provincial Mobile Force Company.
Batay sa police report mula sa Odiongan Municipal Police Station, nagsagawa sila ng buy-bust operation laban sa suspek umaga ng January 4 kung saan nabilhan nila ang suspek ng caliber .38 na baril sa halaga di umanong P6,000. Nakuha din di umano sa suspek ang dalawang bala.
Paglabag di umano ito sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition o sa Republic Act No. 10591.
Nakakulong na ang suspek at nahaharap sa kaukulang kaso.
Discussion about this post