Muling nagsagawa ng operasyon ang Social Security System (SSS) sa Odiongan, Romblon noong Oktubre 11 bilang bahagi ng kanilang “Run After Contribution Evaders” (RACE) campaign.
Sa ilalim ng operasyong ito, sampung employers ang binisita at pinaalalahanan tungkol sa kanilang mga hindi nababayarang kontribusyon para sa kanilang mga empleyado.
Ayon sa SSS, mahalaga ang pagbabayad ng mga delinquent contributions upang masiguro na ang mga empleyado ay makatatanggap ng mga benepisyo mula sa ahensya.
Hinihikayat nila ang mga employers na ayusin ang kanilang mga obligasyon sa lalong madaling panahon upang maiwasan ang mga karagdagang multa at legal na hakbang mula sa SSS.



































