Isang construction worker ang inaresto sa bayan ng Odiongan, Romblon matapos umanong mabilhan ng pinaghihinalaang shabu ng mga operatiba ng pulisya nitong Miyerkules ng hapon, Oktubre 16.
Ayon sa Odiongan Municipal Police Station, ang suspek, na residente ng Barangay Poctoy, ay isang newly identified drug personality sa bayan. Nahuli ang suspek matapos magbenta ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa halagang P1,000 sa isang police operative na nagpanggap na buyer.
Agad itong inaresto matapos magkaabutan ng pera at kontrabando.
Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek sa Odiongan Municipal Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.