Arestado ng pinagsamang puwersa ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency sa Romblon ang isang lalaking nagbebenta diumano ng Marijuana sa Odiongan, Romblon nitong Huwebes.
Ayon sa ulat ng Romblon Police Provincial Office, ang suspek ay isang 27 taong gulang at residente ng nabanggit na bayan.
Sa ulat pa, nabilhan di umano ang suspek ng isang sachet na may lamang pinatuyo ng dahon na marijuana sa halagang P1,000. Nang magkapalitan, agad na inaresto ng mga operatiba ang suspek.
Maliban dito, nakuhaan din diumano ang suspek ng tatlo pang sachet na may lamang pinatuyong marijuana.
Sa kabuoan, aabot sa 7 grams ang nakuha diumano sa suspek at may market value na P3,500.
Kasalukuyang nakapiit ngayon ang suspek sa Odiongan Municipal Police Station habang inihahanda ang kaso laban dito na paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Discussion about this post