Kanselado ngayong araw ang biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Lucena Port sa Quezon Province dahil sa nakataas na storm warning signal sa lugar.
Kinumpirma ito sa isang mensahe sa Romblon News Network ni Crisanto Olaguerra ng Philippines Ports Authority Lucena.
Dahil sa kanselasyon ay apektado ang biyahe ng mga barko mula Lucena patungong Romblon.
Kasamang kanselado ang biyahe ngayong araw ng Star Horse Shipping Lines at Montenegro Lines patungong Tablas Island, Romblon Island, at Sibuyan Island galing Lucena Port.
Inaasahang babalik ang regular na biyahe ng mga barko kapag naibaba na ang storm warning signal sa Lucena City.
Discussion about this post