Arestado ang isang 21-anyos na estudyante sa Odiongan, Romblon matapos isumbong dahil sa paninilip sa isang babaeng estudyante na naliligo noong Miyerkules ng gabi.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ang suspek ay sumilip di umano sa isang butas sa pader ng CR kung saan niya nakita ang biktima na nakahubad habang naliligo.
Agad na nagsumbong ang biktima sa istasyon ng pulisya, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.
Sa pag-iimbestiga, natagpuan ng mga pulis ang mga markings ng tsinelas sa tubo ng tubig at stool na ginamit ng suspek para di umano makasilip.
Dahil dito, dinala ang suspek sa Odiongan Municipal Police Station at mahaharap sa kasong Unjust Vexation.