Nauwi sa pananakit ang masaya sanang sayawan sa kapiyestahan ng Barangay Tulay sa bayan ng Odiongan, Romblon nitong gabi ng June 13.
Sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station, habang nag-sasayawan umano sa plaza ng Barangay ay bigla nalang umanong binundol ng suspek na si Justin Yap Gaca, 21, ang biktimang si Jericho Prince Tejolan, 20, ngunit nang tangungin kung bakit ito nambundol ay bigla nalang umano itong nanuntok.
Sinubukang umawat ang kasamang menor de edad ni Tejolan ngunit maging ito ay nadamay sa galit ni Gaca.
Nakisala din sa gulo ang mga kaibigan ni Gaca na sina Mark Andrew Fos Olivar, 21, at John Rico Yap Gaca, 18.
Naawat ang gulo ng mga pulis na nasa lugar para magbigay ng siguridad sa kapiyestahan.
Ang tatlo ay inaresto na at dinala sa Odiongan Municipal Police Station. Mahaharap ang mga ito sa kasong physical injuries na may kinalaman sa Republic Act No. 7610 o ang batas na nagbibigay ng proteksyon sa mga menor de edad.