Rehistrado na sa Philippine Identification System (Philsys) ang aabot sa 249,321 na Romblomanon mula nang ilunsad ang registration para sa National ID noong Hunyo 2021.
Ayon sa inilabas na datus ng Philippine Statistics Authority – Romblon, hanggang June 15 ay tuloy-tuloy ang mga nagpaparehistro sa kanilang opisina para sa Philsys Step 2 Registration.
Pinakamaraming nakapagrehistro sa Philsys ay sa bayan ng Odiongan at sa Romblon na may 39,323 at 34,323 na katao.
Samantala, maliban sa mga Romblomanon ay may 45 rin na residente ng ibang probinsya ang nagparehistro sa Philsys sa pamamagitan ng PSA Romblon.
Ang PhilSys Step 2 registration ay ang pagvalidate ng supporting documents at ang pagkuha ng biometric details (iris scan, fingerprints, front-facing photograph) ng bawat tao sa mga Registration Centers.

































