Nagbigay ng cash gift ang pamahalaang panlalawigan ng Romblon sa ilang senior citizen sa bayan ng Odiongan na naabot ang 80 hanggang 95 taong gulang.
Ayon kay Rollie Lachica, consultant to the Governor, 70 senior citizen ang kanilang nabigyan ng ayuda nitong Martes. P2,000 hanggang 50,000 ang natanggap ng mga senior citizens depende sa kanilang edad.
Tumataginting na P50,000 cash ang natanggap nina Juana Gabayno ng Panique at Mayonita Fodulla ng Bangon matapos maabot nila ang 95 taong gulang ayon kay Lachica.
Ang pagbibigay ng cash gift ay programa ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng isang provincial ordinance na naglalayong mabigyan ng one-time cash gift ang mga senior citizens na maabot ang 80 taong gulang pataas. Hiwalay pa ito sa cash incentive na ibinibigay ng pamahalaang nasyonal kung makaabot ng 100 taong gulang.