Arestado ang isang 54-anyos na tricycle driver sa bayan ng Odiongan, Romblon matapos ang ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation ng otoridad nitong Huwebes, April 25.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jessie Villanueva, residente ng Barangay Tumingad.
Ayon sa police report, ang buy-bust operation ay ikinasa ng Odiongan Municipal Police Station sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang sangay ng Philippine National Police.
Nabilhan di umano ng isang police officer na nagpanggap na buyer ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa halagang P1,000.
Nang magkapalitan di umano ay agad inaresto ng mga operatiba si Villanueva.
Sinabi ng pulisya na sa isinagawang inventory ay nakuha sa suspek ang P1,000 marked money, at dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu.
Dinala sa Romblon Provincial Crime Laboratory Office ang suspek kasama ang nakumpisang dtug items. Mahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Discussion about this post