Sugatan ang isang rider matapos masalpok ang minamaneho niyang motorsiklo ng isang dump truck na pagmamay-ari ng isang construction company sa Odiongan.
Nangyari ang aksidente hapon ng Miyerkules sa Barangay Liwanag.
Sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station, ang rider na kinilalang si Jessie Arroyo ay nakahinto sa national road malapit sa T. Tan’s Drop In Shop dahil sa traffic nang mangyari ang aksidente.
Bigla nalang silang nasalpok ng Isuzu Forward dump truck ng Twin Dragon Construction na minamaneho ni Jason Meñez, 32.
Ayon sa pulisya, mabilis ang patakbo ng truck kaya hindi ito agad nakahinto pagdating sa ma-traffic na kalsada.
Nagtamo ng sugat ang rider habang ligtas naman at walang sugat ang dalawa backride na menor de edad.
Nakunan din ng CCTV ang aksidente.