Sa pagbisita ni Senator Bato Dela Rosa sa Odiongan nitong Huwebes, nangako ito na susuportahan ang pagpapatapos ng itinatayo ng local government unit na Government Center sa Barangay Dapawan.
Sinabi nitong ipinakita sa kanya ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic ang hindi pa natatapos na gusali kaya magbibigay siya ngayong taon ng P50-million para sa pagpapatuloy ng construction.
ADVERTISEMENT
Si Dela Rosa ay nasa Romblon para mamahagi ng ayuda sa 350 na Odionganon at para dumalo bilang bisita sa Binibining Odiongan 2024.