Ngayong araw ay operational na ang One Romblon Dialysis Center na matatagpuan sa Romblon Provincial Hospital. Ito ay matapos na opisyal na makatanggap nitong nakalipas na araw ang center ng License to Operate mula sa Department of Health.
Sinamahan kanina ni Governor Jose “Otik” Riano at Congressman Budoy Madrona, kasama ang iba pang opisyal ng Romblon, ang unang pasyenteng magpapagamot sa dialysis center.
Residente si Tatay Ricarte ng Barangay Budiong pero anim na buwan nanatili sa Bulacan para doon magpa-dialysis bago ito umuwi para sa Romblon na magpagamot.
Hanggang 20 na pasyente ang kayang isalang sa dialysis treatment sa nasabing pasilidad araw-araw.