Nasunog bago magtanghali ng Sabado ang isang woodwork shop sa Barangay Rizal, Odiongan, Romblon na pagmamay-ari ni Alvin Tibio.
Sa ulat ng Odiongan Fire Station, umabot ng unang alarma ang sunog na nagresulta sa P150,000 na pinsala sa ari-arian.
ADVERTISEMENT
Idineklara ding fire out ang sunog matapos ang mahigit 30 minuto.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga bombero sa lugar para matukoy ang posibleng pinagmulang ng sunog.