Tumungo ng Romblon State University Main Campus ang Commission on Elections – Mimaropa kamakailan para magsagawa ng voters education campaign sa mga estudyante ng pamantansan.
Pinangunahan ni Regional Election Director Gloria G. Ramos-Petallo ang mga kinatawan ng COMELEC na nagsagawa rin ng satellite registration bilang bahagi ng register anywhere program ng ahensya.
Hinikayat ni Petallo ang mga estudyante na magparehistro at bumuto tuwing halalan bilang kanilang pakikiisa sa democratic process ng Pilipinas.
Pareho ring panghihikayat ang ginawa ni RSU President Merian Catajay-Mani sa mga estudyante.
Aniya, malaking tulong ang mga ganitong programa ng COMELEC para maabot ang mga Romblomanong hindi nakakabuto.