Isang lasing na rider ang tinakasan ang nabangga nitong kotse hapon ng Martes malapit sa Jollibee Odiongan.
Ang kotse, pag-mamayari pala at minamaneho ni Corcuera Vice Mayor Apple Fondevilla.
Sa imbestigayon ng Odiongan Municipal Police Station, binabaybayan ng bise alkalde ang kalsada patungo sa Barangay Liwayway nang bigla itong salpukin ng rider pagdating sa intersection malapit sa fast food chain.
Dahil sa pagkakasalpok, nasira ang pintuan ng sasakyan ng bise alkalde.
Ligtas naman ang lagay ng bise alkalde.
Hinahanap na ngayon ng mga kapulisan ang rider na napag-alamang residente ng Barangay Canduyong.