Iniimbestigahan na ng Odiongan Municipal Police Station ang naganap na aksidente sa Barangay Dapawan kagabi kung saan isang estudyante ang nakaladkad ng motorsiklo at iniwanan pa ng suspek na sugatan sa kalsada.
Ang problema, hindi nakilala at naplakahan ng mga saksi sa lugar ang rider na hindi pa rin kilala hanggang ngayon.
Tinitingnan na ng otoridad ang mga CCTV footages malapit sa pinangyarihan ng aksidente sa Seventh Day Adventist Church sa Dapawan.
Kwento ng biktima, naglalakad lang siya malapit sa gilid ng kalsada malapit sa simbahan nang bigla itong salpukin at kaladkarin ng rider.
Dinala naman siya ng mga rumespondeng pulis sa ospital.
Nagpapagaling na ngayon ang biktimang nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.