Nabundol sa Barangay Dubduban sa bayan ng San Agustin, Romblon ang isang lola na tumatawid sa kalsada kagabi, January 11.
Ang lola ay kinilalang si Verginia Manalo, 68,r esidente nang nasabing barangay.
Sa ulat ng pulisya, tumatawid ang lola sa national road nang sumulpot ang motorsiklong minamaneho naman ni Johndel Manasan, 18, walang lisensya.
Nasalpok ang lola dahilan para ito ay matumba habang ang mga sakay ng motorsiklo ay tumilapon naman sa kalsada.
Nagtamo ng sugat ang lola, ang rider, at ang angkas na menor de edad ng rider kaya agad silang isinugod sa Tablas Island District Hospital para gamutin.
Hawak na ng mga tauhan ng tauhan ng pulisya ang motorsiklong sangkot habang inihahanda ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Physical Injuries na posibleng maharap ng rider.