Sugatan at isinugod sa ospital ang isang lalaki sa Barangay Bangon sa Odiongan, Romblon matapos itong pagsusuntukin ng kanyang anak-anakan nitong gabi ng January 3.
Ang biktima kinilala ng Odiongan Police na si Fernando Tejolan Fradejas Jr, 49, habang ang suspek naman ay si Diego Fajanilan Falogme, 23, pawang residente nang nabanggit na lugar.
Sa imbestigasyon ng pulisya, habang nanonood umano ang biktima at kanyang asawa ng TV at napag-uusapan ang hindi pa nahuhugasang mga pinggan sa kusina, bigla nalang umano nilapitan ng anak-anakan ang kanyang amain at tinusok sa mata at pinagsusuntok.
Naawat lang sila ng kapatid ng suspek, at kapitbahay na nakarinig sa kaguluhan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng kapulisan na may nakaraang alitan na ang dalawa at nadala na ito sa barangay para pag-usapan.
Dinakip ng kapulisan ang suspek para sampahan ng kaukulang kaso sa Office Provincial Prosecutor.