Naaresto ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station, sa pamumuno ng bago nilang hepe na si Captain Dennis Rivera, ang isang lalaking gumagala sa Barangay Poctoy na may dala di umanong baril.
Ang suspek, kinilalang si Dante Cariño Bansoli, 43, na naaresto na rin noong nakaraang araw dahil naman sa pagnanakaw di umano ng waterpump sa isang madre sa parehong barangay.
Sa ulat ng kapulisan, alas-onse ng gabi nitong Miyerkules habang nagsasagawa ng patrolling sa lugar ang kapulisan nang matanaw ang isang lalaking nakasuot ng itim na damit, itim na pants, yellow na sumbrero, at may dalang ecobag.
Nang lapitan ng pulisya, nakilala nilang si Bansoli ito. Agad namang kumaripas ng takbo si Bansoli ngunit habang hinahabol siya ay nahulog di umano mula s akanya ang isang baril at mga bala.
Nahabol naman ng kapulisan ang suspek at ngayon ay nakakulang na sa Odiongan Municipal Police Station.
Mahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.