Nasawi ang isang lalaking bantay ng tindahan sa Sitio Torrel sa Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon matapos itong barilin ng suspek na hindi niya pinautang ng alak nitong hatinggabi ng Miyerkules.
Ang biktima ay kinilalang si Joseph Christian Rubion habang ang suspek naman ay kinilalang si Manny Montojo.
Kwento ng mga kamag-anak ni Rubion, hatinggabi nang dumating ang suspek sa tindahan na binabantayan ni Rubion para bumili ng yosi at mangutang ng alak ngunit dahil nakainum na ang suspek, hindi ito pinahiram ni Rubion.
Ito umano ang naging dahilan kung bakit umalis ang suspek at bumalik nang may dalang baril at walang ano-ano ay biglang binaril sa tagiliran ang biktima.
Dead on arrival sa ospital ang biktima habang ang suspek naman ay agad na tumakas mula sa crime scene.
Naabutan ang suspek sa bahay ng kanyang kapatid sa San Andres umaga ng Miyerkules at nsaawi rin matapos di umano ay manlaban sa mga dadakip sanang pulis.

































