Huli ng pinagsanib puwersa ng mga kapulisan sa Odiongan ang apat na lalaking nahuling naglalaro di umano ng tupada nitong December 10.
Ang mga suspek ay pawang mga residente ng Barangay Rizal, Odiongan, Romblon kung saan isinagawa ang rade. Kabilang sa kanila ang isang senior citizen at dalawang minor de edad.
Ayon sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station, ang grupo ng mga kapulisan ay nakatanggap ng tip na may isinasagawang patupada dito kaya agad silang nagsagawa ng raid kasama ang iba pang sangay ng Philippine National Police sa Odiongan.
Pagdating di umano sa lugar ay naabutan nila ang apat kaya nila hinuli.
Nakuha sa kanila ang dalawang panabong na manok, pera pamusta, at mga accessories ng mga manok.
Nakakulong na ngayon ang dalawa sa mga suspek habang ang mga menor de edad ay inireffer na sa opisina ng Municipal Social Welfare and Development.
Mahaharap ang mga matanda sa paglabag sa PD 449 as amended ng PD 1602 o ang Cockfighting Law of 1974.



































