Isang senior citizen sa bayan ng San Agustin, Romblon ang nasawi matapos itong pagpapaluin ng bakal na tubo ng kanyang nakababatang kapatid nitong gabi ng Linggo.
Depensa ng suspek na si Lito Rapal, 38, sinuntok umano siya ng biktimang si Rolando kaya ito gumanti nang may makitang pamalo.
Bibili lang sana ng sigarilyo ang suspek sa isang tindahan nang bigla itong lapitan ng biktima at suntukin. Agad na gumanti ang suspek dahil di umano sa takot nito na baka mangyari sa kanya ang nangyari sa isa pa nilang kapatid na di umano ay napatay naman ng biktima noong nakaraang taon.
Sinubukan pang isugod sa Tablas Island District Hospitala ng biktima ngunit idineklara din itong dead on arrival.
Nakakulong na ngayon ang suspek at mahaharap sa kasong homicide.