Nagtamo ng head injury ang isang rider sa Odiongan matapos nitong makasalpukan sa Barangay Bangon ang isang dumptruck nitong linggo ng umaga.
Ang rider ay kinilalang si Leonardo Tayco Felia, residente ng Barangay Progreso Este.
Sa imbestigasyon ng pulisya, ang rider ay patungong Barangay Anahao nang makasalubong nito ang dumptruck na minamaneho ng isang Irone Masangcay Aungon. Nahilo umano si Felia dahilan upang mawalan ng kontrol sa kanyang sasakyan at salpukin ang kasalubong nitong sasakyan.
Tumama ang rider sa bumper ng dumptruck dahilan para sumemplang ito sa kalsada.
Agad namang dinala ang rider sa Romblon Provincial Hospital kung saan siya patuloy na ginagamot.