Ligtas ang lagay ng driver at pahinante ng isang truck ng delivery courier na J&T Express Philippines na nag-overshoot sa may pababang kalsada sa bahagi ng Barangay Malilico sa Odiongan, Romblon nitong umag ang Sabado, October 14.
Ayon sa driver ng truck, madulas umano ang kalsada dahil sa pag-uulan dahilan kung bakit umano ito dumulas.
Maswerte namang hindi bumulusok pababa ang sasakyan dahil may kalaliman pa ang bangin sa lugar.
Nagtamo lamang ng kunting sugat sa paa ang driver ng truck habang wala namang natamong galos ang pahinante nito.
Wala namang ibang nadamay sa aksidente.
Iniimbestigahan na ito ngayon ng Odiongan Municipal Police Station.