Tuloy na tuloy na sa susunod na buwan ang inaasahang pagsisimulang konstruksyon ng gusali ng Divimart sa harap ng Odiongan Public Market sa Odiongan, Romblon.
Ito ay matapos irekomenda ng Committee on Land Use ng Sangguniang Bayan ang pag-apruba sa development permit ng contractor ng gusali ng Divimart sa Odiongan.
Sa isang panayam kay Odiongan Vice Mayor Diven Dimaala nitong Huwebes ng hapon, sinabi nito na sa susunod na session ay posibleng i-adopt na ang rekomendasyon.
Dagdag pa nito, bagama’t kinontra ito ng mga may pwesto sa palengke dahil sa banta na sila ay maaapektuhan, sinabi ni Dimaala na welcome development para sa kanila ang mga pabor na ibinigay sa kanila ng management ng Divimart kagaya nang pagbibigay sa kanila ng puwesto sa loob ng mall, at ang alok na wholesale price para sa kanila.
Inaasahang bago 2nd Quarter ng taong 2024 matatapos magsisimulang mag-operate ang mall.