Napili ng Indigenous People Community kamakailan si Rey Garcia bilang uupong Indigenous People Mandatory Representative (IPMR) ng Odiongan sa Sangguniang Bayan.
Sa pagkakaisa at tradisyon, 111 selectors mula sa iba’t-ibang barangay ang gumamit ng katutubong pamamaraan upang piliin ang isang kinatawan na magtataguyod ng interes ng katutubo kagaya nang paggamit ng bato.
Si Garcia ay nagsilbi na bilang IPMR ng Barangay Tumingad. Kanyang kakatawanin ang mga tribu ng Bantoanon, Ati, at Mangyan sa bayan.
ADVERTISEMENT