Itinakda na ng Committee on Infrastructure ng Sangguniang Bayan ng Odiongan sa August 18 ang isasagawang public hearing kaugnay sa development permit na inapply ng Infinite Radiance Real Estate Ventures Corp sa plano nilang pagtatayo ng 3-storey commercial building ng Divimart.
Ang nasabing gusali ay itatayo sa bakanteng lupa sa harap ng Odiongan Public Market sa Barangay Dapawan.
Isa sa mga pangunahing requirement na kailangan para maitayo ang gusali ng Divimart ay ang pagsasagawa ng public hearing.
Ala-una y medya ng hapon magsisimula ang public hearing na isasagawa sa Children’s Park and Paradise.
Inaasahang sa nasabing public hearing ay ipapakita ng kontraktor ng gusali ang pinal na plano ng gusali.