Nilooban ng hindi pa nakikilalang suspek ang opisina ng Commission on Elections (COMELEC) sa bayan ng San Agustin, Romblon.
Ayon sa police report mula sa San Agustin Municipal Police Station, bandang 9:45 ng umaga ng Miyerkules nang mapansin ni COMELEC Election Officer Reynard Joseph Fabella na nawawala ang kanyang Xitrix Travel na laptop na nakalagay sa isang cabinet sa loob ng opisina.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nakitang naka-locked ng maayos ang mga pinto at bintana ng opisina at walang makitang signs ng sapilitang pagpasok sa lugar.
Tinatayang aabot sa mahigit P45,000 ang halaga ng tinangay na laptop ayon sa pulisya.
Patuloy ang isinasagawang follow-up investigasyon ng otoridad.