Pasado na sa committee on legal matters ang planong paglilipat ng official address ng lokal na pamahalaan ng Odiongan mula Barangay Tabing Dagat patungo sa Barangay Dapawan.
Ang nakatakdang paglipat ay kasunod nang nalalapit na pagkakatapos sa konstruksyon sa government center na ipinapatayo ng lokal na pamahalaan ng Odiongan na matatagpuan sa Barangay Dapawan.
Mahigit 80% na ang tapos sa phase 1 ng construction at inaasahang matatapos sa susunod na buwan.
Ang government center ng Odiongan ay magtataglay ng iba’t ibang opisina ng LGU at opisina ng national agency kagaya ng Bureau of Internal Revenue, Department of Trade and Industry, Commission on Elections, at iba pa.