Ininspeksyon kamakailan ng Project Support Office (PSO) South Luzon ang inspeksyon ng ipinagawang Farm to Market Road sa mga barangay ng Pato-o patungong Sitio Aurora sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Ang naturang proyekto ang nakumpleto noong Disyembre 30, 2022. May habang 5.8 kilometro ang naturang FMR at mayroong 91.5-meter bridge na may kabuoang halaga na P175M.
Inaasahan naman na kapapakinabangan ito ng nasa 4,700 kabahayan upang higit na mapabilis ang pag-aangkat ng kanilang mga produkto sa merkado.
Gayundin, mas pabibilisin nito ang transportasyon ng mga mamamayan, patungo at palabas ng naturang mga lugar. (JJGS)