May maayos nang water system ang mga mag-aaral ng Progreso Weste Elementary School sa bayan ng Odiongan, Romblon matapos maipagkaloob sa kanila ang proyekto ng mga pribadong inbidwal.
Ang Sim Construction, Trading and Services, sa kahilingan ng konseho ng Barangay, ay nagtayo ng water tank sa Sitio Banggaan.
Layunin nito na magkaroon ng tangke ng tubig ang mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
Nagpagawa rin sila ng 11 na balon o deep well para sa mga residente ng Sitio.
Sa isang pahayag, sinabi ni Engr. Jim Sim ng Sim Construction, Trading and Services na malaking bagay sa kanilang kompanya na makatulong at makapagbigay ng ginahawa sa mga residente ng lugar.
Naniniwala rin ang kanilang kompanya na hindi kailangang maging politiko bago makatulong sa mga kapwa nila Odionganon.