Nauwi sa krimen ang masayang inuman dapat ng dalawang magkaiban sa Sitio Sta. Ana, Brgy. Tumingad, Odiongan, Romblon nitong hapon ng Linggo, June 25.
Sa report ng Odiongan Municipal Police Station, ang biktimang si Frolencio Rogon, 45, at ang suspek na si Dareen Fortu, 30, ay nag-iinuman sa bahay ng biktima nang mauwi sa pagtatalo ang masaya dapat nilang usapan.
Natapos ang inuman nang may sama nang loob ang suspek sa biktima.
Bandang 2:30 ng hapon, bigla umanong pinasok ng suspek ang bahay ng biktima habang ito ay natutulog at bigla nalang pinagsasaksak ang biktima ng binasag na bote sa leeg.
Agad namang tumakas ang suspek ngunit nakita ito nang ilang witness at dinakip ng mga opisyal nang barangay.
Nagtamo ng sugat sa leeg ang biktimang si Rogon na agad namang isinugod sa ospital nang mga opisyal ng barangay.
Habang ang suspek ay kinuha ng Odiongan Municipal Police Station at ikinulong. Mahaharap ito sa kasong frustrated murder.