Isang bahay nanaman sa Barangay Tumingad sa Odiongan, Romblon ang nabiktima ng akyat bahay. Ang insidente ay naitala nitong madaling araw ng Huwebes sa Sitio Daisy.
Ayon kay Barangay Captain Louie Falcunit, pinasok ng magnanakaw ang bahay ng isang Engineer at tinangay ang mga alahas nito, cash at cellphone.
Dumaan sa kusina ang magnanakaw at dumiretso sa kuwarto kung saan nakita ang kahon ng alahas maging ang pitaka na may lamang P3,000.
Nang rumesponde ang mga tauhan ng barangay ay wala na ang magnanakaw at nalimas na ang kanyang mga target na kunin sa bahay.
Dagdag pa ni Falcunit sa kanyang facebook post, nagtataka umano ito dahil hanggang sa umalis siya sa bahay ng biktima ay sobrang himbing nang pagkakatulong ng mga asong alaga ng biktima.
Ipinaalam na sa Odiongan Municipal Police Station ang insidente.
Nitong mga nakaraang linggo ay may naitala ring nakawan sa mga barangay ng Budiong, Canduyong at Batiano.
Humingi na nang tulong ang pulisya sa mga barangay officials at sa mga force multipliers nito para sa mas pagpapaigting nang pagbabantay tuwing gabi sa bayan.