Timbog ang isang Wanted Person sa isinagawang operasyon ng San Agustin Municipal Police Station sa Brgy. Carmen, San Agustin, Romblon noong ika-25 ng Abril.
Kinilala ni Police Major Joselito Sape, Acting Chief of Police ng San Agustin MPS, ang suspek na si alyas “Nardo” residente ng San Agustin, Romblon.
Ayon Kay PMaj Sape, naaresto ang suspek sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng San Agustin MPS, Provincial Drug Enforcement Unit at Romblon Provincial Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Homicide na may inirekomendang piyansa na Php72,000.
Aniya, ang PNP ay hindi titigil sa paglaban sa mga may pagkakasala sa batas at iba pang ilegal na aktibidad para manatiling ligtas at maayos ang komunidad. (PR)