Pormal nang binasbasan ang bagong ayos na Gabaldon Building sa Odiongan South Central Elementary School sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Ang nasabing Gabaldong School Building ay itinayo sa panahon ng American colonial era.
Pinangunahan nina Governor Jose Riano, Vice Governor Armando Gutierrez at Congressman Eleandro Madrona ang pagbubukas sa nasabing gusali na inaasanag makakatulong para may malagyan ang dumaraming populasyon ng mga batang nag-aaral sa lugar.
Ang pagpapanumbalik sa pangangalaga sa mga Gabaldon School Buildings ay alinsunod sa Republic Act No. 11194 o Gabaldon School Buildings Conservation Act.

































