Arestado ang ilang sabungero matapos maaktuhan sila ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station na nagsasagawa ng iligal na tupada sa Sitio Pinaypayan, Brgy. Taboboan, Odiongan noong Linggo.
Ayon sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station, nakatanggap sila ng tip na may isinasagawang iligal na tupada sa barangay kasabay sa pagdiriwang ng kanilang kapiyestahan.
Agad na nagsagawa ng raid ang mga kapulisan kasama ang mga tauhan ng Romblon Police Provincial Mobile Force Company. Pagdating ng mga pulis ay dito nila naaktuhan ang mga suspek.
Nakuha sa mga suspek na kinilala ng Odiongan Municipal Police Station na sina Patrick Francisco, at Manuel Macatubal, ang ilang bet money, buhay na panabong na manok, bayna, bayong, at iba pa.
May mga cellphones rin na narekober ang kapulisan na naiwan nang mga tumakas na suspek habang paparating ang mga pulis.
Nakakulong na sila ngayon para sampahan ng kaukulang kaso.


































