Nakaabot na sa katubigan ng Sibale Island sa Concepcion, Romblon ang oil spill na binabantayan sa Tablas Strait.
Kasunod ito ng paglubog ng MT Princess Empress na may kargang 800,000 litro na industrial fuel oil.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PGC), nakakalat na sa humigit-kumulang isang ektaryang katubigan ng Sibale Island ang langis.
Patuloy ang ginagawang pag-apply ng dispersant sa naturang katubigan ang PCG.
Ayon sa PCG, umabot na ang oil spill sa mga bayan ng Bongabong, Pinamalayan, at Pola sa Oriental Mindoro.