Sugatan ang isang bata sa Sitio Cocoville, Barangay Dapawan sa Odiongan, Romblon matapos masalpok ng isang motorcycle rider nitong hapon ng Lunes, March 6.
Sa ulat ng Romblon Police Provincial Office, binabaybay ng rider ang kahabaan ng J.P. Rizal St. nang bigla umanong tumawid dahilan upang masalpok ito.
Natumba ang dalawa at agad na isinugod sa Romblon Provincial Hospital matapos magtamo ng sugat sa katawan.
Nagpapagaling na ang mga ito ngayon.
Paalala ng mga otoridad, laging bantayan ang mga bata at huwag hayaang naglalaro sa kalsada para iwas disgrasya.


























