Kasabay ang ika-37 anniversary ng EDSA People Power Revolution, nagsagawa ng people’s rally ang mga makakalikasang grupo sa harap ng isinasagawang barikada kontra mina sa Sibuyan Island ngayong February 25.
Sa mga larawang kuha ng Alyansa Tigil Mina, makikitang bitbit ng grupo ang panawagan na kanselahin na ang Mineral Production Sharing Agreement ng Altai Philippine Mining Company (APMC).
Ngayon ang ika-32 araw na nagbabarikada ang mga residente ng Sibuyan sa Sitio Bato sa Barangay España, San Fernando, Romblon para pigilan ang anumang galaw ng APMC ngayong may ibinaba na cease and desist order ang Department of Environment and Natural Resources.