Halos 900 na estudyante ang tumanggap kahapon, February 27, ng educational cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pinondohan ni Congressman Eleandro Madrona sa konseho.
Ayon kay Romblon SWAD Team Leader Abegail Fetilo, ang bilang na ito ay mula lamang sa Ferrol National High School (NHS), Looc NHS, Alcantara NHS, Emmanuel Madrona NHS, at Binongaan NHS.
Tumatanggap ng P2,000 ang mga estudyanteng nag-aaral sa junior high school habang P3,000 naman ang natanggap ng mga estudyanteng nasa senior high school.
Tinatayang nasa halos P5.8M ang pondong inilaan para sa mga estudyanteng kasama sa first batch ng mga makakatanggap ng ayuda.
Ngayong Martes, inaashaang ilang high school sa Odiongan, San Andres at San Agustin ang pupuntahan ng DSWD kasama si Congressman Madrona para personal na iabot sa mga estudyante at magulang ang educational cash assistance na ito.