Sumemplang ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng national road sa Barangay Dapawan sa Odiongan, Romblon matapos silang masangkot sa isang aksidente nitong Linggo, Pebrero 12.
Ayon sa inisyal na ulat ng Odiongan Municipal Police Station (MPS), ang dalawang motorsiklo ay patungo sa Odiongan Town Proper nang biglang masalpok ng Yamaha Mio ang likod ng Yamaha RS pagdatin sa lugar na pinangyarihan ng aksidente.
Dahil sa pangyayari, nagtamo si Julie D. Farquerabao at sakay nito ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan, samantalang ang driver naman ng Yamaha Mio i125 na kinilala ng pulisya na si AJ Cruz, 24, ay nagtamo ng head injury at mga pasa.
Agad naman silang dinala sa Romblon Provincial Hospital para sa medikal na atensyon.
Lumalabas din sa isinagawang imbistigasyon ng mga awtoridad, posibleng nakainum ng alak ang rider na si Cruz.
Nasa kustodiya na ng Odiongan Municipal Police Station ang mga sangkot na motorsiklo para sa nararapat na disposisyon.