Ipinanukala sa Sangguniang Bayan ng Odiongan ang isang ordinansang nag-aatas sa mga resorts owners na magkaroon ng sariling life guard.
Ito ay matapos na may maiualat kamakailan na nalunod sa isang swimming pool sa bayan.
Ayon kay SB Manual Fernandez, mahalaga umano ang pagkakaroon ng mga trained at accredited life guards sa mga resorts para masiguro ang kaligtasan ng mga bisita.
Napag-usapan na ito sa isang commitee hearing ng Peace and Order Committee ng Sangguniang Bayan.
Sinabi ni Fernandez na dapat mabigyan ng penalty ang mga resorts na hindi sinisiguro ang kaligtasan ng mga naliligo sa kanilang mga pools o beaches.


























