Sumemplang sa motorsiklo ang isang 26-anyos na lalaki matapos itong maaksidente sa kahabaan ng Natioanal Road sa Barangay Mayha, Odiongan, Romblon nitong unang araw ng 2023.
Ang rider ay kinilala ng Odiongan Municipal Police Station na si Ivan Trillañes, residente ng Barangay Madalag, Alcantara.
Ayon sa ulat, bandang 2:35 ng umaga nang manyari ang aksidente.
Binabayabay ng rider ang kalsada patungong Barangay Rizal ngunit pagdating nito sa pinangyarihan ng aksidente ay biglang tumawid umano ang isang kalabaw na siya naman nitong nasalpok.
Agad na isinugod ang rider sa Romblon Provincial Hospital para agad na magamot.