Sugatan ang isang motorcycle rider matapos masangkot itong maaksidente nitong madaling araw ng Huwebes sa Barangay Panique, Odiongan, Romblon.
Ang rider na kinilalang si Benjie Famadulan, 37, ay patungo sanang Matutuna, San Andres nang masalpok ang Innova na minamanho ni Pedrito San Agustin Flores Jr ng JPOON and Sons Corporation.
Sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, pagdating umano sa blind curve ay hindi na-tantiya ng maayos ng rider ang paliko kaya nito nasalpok ang Innova.
Dahil sa pagkakasalpok, tumilapon sa kalsada ang rider na maswerteng gasgas lamang ang tinamo.
Hawak na ng Odiongan Municipal Police Station ang dalawang sasakyan habang patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.


























