Bago matapos ang taong 2022 ay natanggap na ng mahigit apat na libong senior citizen sa bayan ng Odiongan ang kanilang social pension mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Odiongan, aabot sa halos P27-million ang kanilang na disburse para sa mga senior citizens noong December 28 hanggang 29.
Para sa buong taon ng 2022 ang social pension na naipamahagi ng DSWD sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Odiongan.
P500 kada buwan ang social pension para sa mga senior citizens na walang SSS o GSIS pension.