Nasagip ng mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station Romblon ang isang mangingisdang lumubog ang sinasakyang bangka sa Brgy. Long Beach, San Agustin Romblon noong January 4.
Ayon sa Philippine Coast Guard, galing Barangay Agtongo, Romblon ang mangingisda at pumalaot para mangisda malapit sa Simara Island ngunit tumaob ang kanyang bangka dahil sa malalakas na alon.
Agad na dinala sa pampang ang nailigtas na mangingisda para tingnan ang kanyang kundisyon at lagay bago pauwiin.
Ang rescue team ay binubuo ng Coast Guard Romblon personnel kasama ang PNP Maritime Group at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.