Isang dalawang palapag na bahay sa Barangay Ligaya sa bayan ng Odiongan, Romblon ang nasunog tanghali ng January 2, bagong taon.
Halos isang oras na pinagtulungan ng Bureau of Fire Protection at ilang volunteers ang pag-apula sa apoy.
Mabilis na kinain ng apoy ang bahay na gawa sa semento ang unang palapag at gawa naman light material ang ikalawang palapag.
Ayon kay Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, walang naitalang nasawi sa nangyaring sunog.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng Odiongan Fire Station sa posibleng pinagmulan ng apoy.