Nadakip sa bayan ng San Agustin, Romblon ng mga tauhan ng pulisya ang lalaking wanted sa Mandaue City, Cebu dahil sa iligal na droga.
Kinilala ang suspek na si SOnny JOhn Manipol, 30, isang consruction worker at residente ng Barangay Cabulotan.
Ayon sa ulat ng Romblon Police Provincial Office, ang suspek naaresto ng pinagsamang pwersa ng Romblon Police Provincial Office at Mandaue Police Office nitong gabi ng December 26 dahil sa isang warrant of arrest.
May kaso ang suspek sa Regional Trial Court Branch 88 na may kinalaman sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa San Agustin Municipal Police Station.


































